About Us
CAGELCO 1
Cagayan 1 Electric Cooperative, Inc. CAGELCO 1) is one of the two electric cooperatives organized in the province of Cagayan. It was registered on November 15, 1971.
Originally, CAGELCO 1 had seven member municipalities namely Alcala, Amulung, Baggao, Enrile, Iguig, Peñablanca, and Solana. Later, the municipalities of Piat, Faire (Sto. Niño), Tuao and Rizal were added. When CAGELCO 1 started lighting the municipality of Enrile on December 12, 1975, followed by Solana on December 20 of the same year, the people of Tuguegarao clamored that this town, the capital of the province be serviced by the Cooperative. At that time, Tuguegarao was being serviced by the Tuguegarao Electric Power Company, owned by the Stoops and Andrews clan. With the strong clamor from the residents of Tuguegarao, the National Electrification Administration (NEA), CAGELCO 1 and the municipal government of Tuguegarao worked out the take over of the private electric utility system. In 1976, CAGELCO 1 finally took over this private electric system, thus Tuguegarao became the 12th member-municipality.
History
Ang CAGELCO I ay acronym para sa (nangangahulugang) CAGAYAN I ELECTRIC COOPERATIVE INC. Ito ay isa sa 121 E.C. Cooperatives na binuo at pinamumunuan ng National Electrification Administration sa ilalim ng PD 269 at iniakda noong kapanahunan pa ni President Marcos. Ang pagkakabuo ng mga EC sa ating bansa ay bunga ng paghahangad ng “Total Electrification” o pagkakaroon ng supply ng kuryente sa buong bansa lalong lalo na sa mga kanayunan. Hindi naging madali ang pagsisimula sa proyektong pagpapailaw. Madami itong mga pinagdaanang pagsubok. Nung una, ang mga pribadong distributor ang nangasiwa sa pagpapailaw. Ngunit nung naglaon, inayawan nila ang pagpapalawig ng serbisyo ng kuryente sa mga malalayong nayon dahil bukod sa mahal ang gagastusin sa imprastraktura, wala pa silang makukuhang ganansya rito dahil kokonti lamang ang mga konsumidores sa mga baryo at sitio ng kanayunan. Kung kayat ang noong Pangulong Ferdinand Marcos ay naghanap ng ibang paraan upang matugunan ang kakulangan ng pondo sa pagtatayo ng mga imprastrakturang magpapalawig sa proyetong elektripikasyon para sa kanayunan. Dala ng determinasyong palaganapin ang total electrification, nagpunta mismo ang Pangulong Marcos sa Estados Unidos upang humingi ng tulong pinansyal. Hindi naman tayo binigo ng Estados Unidos at binigyan tayo ng pondo. Bukod sa pondo, inialok din ng Estados Unidos na tutulungan tayo sa mga pangteknikal na aspeto at sa disenyo ng programang gagamitin sa proyetktong pagpapailaw. Ang modelong susundan sa daan ng pagpapailaw ay nakabase sa modelong ginamit ng Estados Unidos. Ito ay ang consepto ng Rural Electric Cooperative. Dahil sa di maikakailang tagumpay ng conseptong Electric Coop, eto ang ginamit at sinundan ng pamahalaan sa proyektong pagpapailaw. Dito na rin nagsimula ang kapanganakan ng mga Electric Cooperatives sa Pilipinas.