Power Saving Tips
Power Saving Tips
- Mag-ingat sa pagpapalagay ng "house wiring materials" sa loob ng bahay. Pumili ng mahusay na elektrisyan at matibay na gamit sa kuryente. Huwag padadala sa murang materyales kung ito ay madali rin lang masisira. Kung gustong makasiguro, magtanong muna sa kinauukulang kawani ng CAGELCO 1 o kaya'y lumahok muna sa "Pre-Membership Seminar- Orientation" na isinasagawa sa opisina ng CAGELCO 1. Ito ay ginaganap tuwing umaga ng Martes at Huwebes.
- Patayin ang main switch (put off) o ibaba ang hawakan (handle) ng main switch kung may nasunog o umusok na gamit o appliances sa loob ng bahay.
- Huwag lumapit sa mga natumbang poste ng kuryente o nahulog na kawad ng kuryente kahit pa alam natin na brown-out. Lalong huwag hawakan ang mga ito sa pag-aakalang linya ito ng telepono o cable t.v.
- Kung may dumidikit o sumasampang sanga ng kahoy sa mga linya ng kuryente tulad ng primary line, secondary line, underbuilt, o maging sa service drop wire, huwag nating basta-bastang putulin ang sanga. I-report ito sa pinakamalapit na opisina ang CAGELCO 1 upang clearing crew ang gumawa nito.
- Suriing mabuti ang mga bahagi ng kuryente sa loob ng bahay lalo na sa kisame na kung saan nakatago ang mga kawad na maaring kinain na ng ipis, langgam, anay at daga o maaring naipit at nabalatan (natuklap ang rubber coating).
- Huwag pabayaang nakatiwangwang ang mga cord o wiring ng mga appliances na maaring paglaruan ng mga bata lalo na kung ito ay nakasaksak sa outlet.
- Maging maingat lagi sa paggamit ng plantsa, lutuan, o heater. Huwag kalimutang tanggalin sa outlet ang plug pagkatapos gamitin. Ito ay maaring maging sanhi ng sunog kung ma-overheat. Ilayo ang plantsa sa mga bagay na maaring masunog kagaya ng kurtina, damit o anumang manipis na bagay.
- Huwag pabayaang nakatiwangwang sa dinaraanan ng tao ang mga cord ng appliances o extension wires para hindi natatapakan o mapaglaruan ng mga bata. Ito ay delikado kapag nabalatan (open wire) o naputol.
- Kung pumutok ang inyong fuse, palitan agad ng bago. Iwasang maglagay ng silver o palara o kaya coin (barya) sa fuse box upang mag-kailaw lamang Mas maiging pumutok ang fuse kapag may short circuit o overload upang mapigilan ang pagdaloy ng kuryente. Ang mga niremedyong fuse ay sanhi ng sunog.
- Kung basa ang inyong kamay o paa, iwasang magsaksak o magtanggal ng plug ng appliances. Kung basa ang inyong mga appliances, huwag munang gamitin hangga't hindi pa natutuyo. Dapat lagi tayong nakasuot ng tsinelas o sandal kapag may ilalagay tayong plug sa outlet.
- Kung lilinisin ang loob ng inyong refrigerator, tanggalin muna ang plug nito sa outlet.
- Pangaralan at turuan natin ang ating mga kasambahay lalo na ang mga bata na huwag paglaruan ang mga kawad at ibat-ibang bahagi ng kuryente, maging sa loob o labas ng bahay.
- Pag bubuhat ng anumang bakal tulad ng antenna ng t.v. iwasan ang mga linya ng kuryente. Gayun din kung magpapagawa ng bahay o gusali na maaring dumikit sa primary line, isangguni sa opisina ng CAGELCO 1 para sa karampatang payo sa location ng poste o linya . Balaan din ang mga karpintero o trabahador na iwasan ang linya.
- Dapat na nakahiwalay o nakabukod ang outlet ng mga appliances na may matataas na wattage lalo na kapag sabay-sabay ginagamit. Dapat ding heavy duty outlet at kawad (wiring) ang gamitin sa malalakas na appliances.
- Kapag may nasusunog na kawad ng kuryente o appliances, huwag buhusan ng tubig datapwat, ibaba kaagad ang handle ng main switch, patayin ang apoy sa pamamagitan ng fire extinguisher at tumawag sa Fire Department, sa telepono bilang 911, kung kinakailangan.
- Huwag ilapit ang mga bagay-bagay na madaling masunog sa mga ilaw at mga appliances tulad ng gaas, gasolina, thinner, pintura, alcohol, langis at iba pa.
- Iwasan ang gumamit ng napakarami at magulong extension wire (octopus connection). Dapat ay nakapatong sa lugar na hindi madaling maabot ng mga bata ang mga extension outlets.
- Huwag maglagay ng switch o outlet ng appliances sa isang lugar na nababasa tulad ng loob ng banyo, sink o bath tub.
- Kung may nakukuryenteng hayop o tao, huwag nating hawakan ang biktima, sagipin natin ang tao o hayop sa pamamagitan ng tuyong lubid, tali o kahoy at dapat ding sabayan ng pagpatay (putting off) ng main switch kung sa loob ng bahay nangyari.
- Iwasang idikit ang inyong mga bakod sa poste ng koryente lalong-lalo na kung bakal, iron grills, interlinks o alambre.
- Ibaba ang handle (put off) ng inyong main switch kung patay-sindi ang ilaw o kaya ay may lineman na kasalukuyang nag-aayos ng transformer o linya na kung saan nakakabit ang ating mga service drop wire.
- Kung may nakikita kayong nagi-spark na linya, nakatagilid na poste o nabali at nakasabit na punong kahoy sa linya ng koryente, ipagbigay alam kaagad sa pinakamalapit na opisina ng CAGELCO 1 para maiwasan ang paglala nito. Kung hindi agad naaksyunan, dapat lang tayong mag-follow up.
MGA MAHAL NA KASAPI:
Aasahan po ng ating pangasiwaan na ganap ninyong naunawaan ang mga nabanggit na impormasyon para sa ating proteksyon. Aasahan din po ang inyong suporta at kooperasyon.
Ang CAGELCO 1 ay atin, tagumpay nito ay pagtulungan natin. Ang inyong lingkod, Mgmt, Staff at Board Directors
Inihanda ni: Sally C. Brillantes
CAGELCO 1 Maddarulug, Solana,Cagayan
Kung nais ninyong humingi ng iba pang impormasyon, bumisita lamang sa tanggapan ng MDSD o tumawag sa telepono bilang 844-1595 o 824-8039.Hanapin lang sina Cess at Domy, ang ating mga Information Officers o sinumang empleyado ng CAGELCO I.
Tips # 1: